SHOWS: Pinoy Stand-Up Comedy Revolution November 29 2016
Dito sa Pinas pag sinabi mong Standup Comedy, alam mo na agad ang iisipin mo. Okrayan, bastusan, kantahan, kantahan na may okrayan. Nakakatawa, oo, pero sino bang hindi nagdalawang-isip na manood sa takot na baka sila naman ang sunod na pagtatawanan?
Siguro naisip mo na rin na “Baka pwede naman manood ng nakakatawa na walang inaasar. Yung tipong parang usapang barkada lang pero laughtrip pa rin? Baka naman meron yung tamang kalokohan lang pero hindi sobrang bastos, at pwede mong dalhin kasama kahit na sino?”
Pwedeng pwede. Comedy Manila ang sagot sa katanungan mo.
Sa nakaraang apat na taon, libulibo na ang mga taong pinasaya ng Comedy Manila sa mga kwento nila tungkol sa buhay, pulitika, relihiyon, trabaho, pamilya, showbiz, kasal, Ghost Fighter, traffic, bagyo, kabataan, pagbibinata, pagtanda – lahat ng pwedeng pagusapan, pinaguusapan. Walang pang mayaman, walang pangmahirap. Lahat pantaypantay sa pagtawa.
Sa mga shows ng Comedy Manila, walang natatakot maupo sa harap. Walang okrayan. Ok-yan lang. Kwentuhan na may jokes, pero gugulong ka pa rin sa katatawa. Hindi OA yun. Sobrang daming solid na tawa – mga limang daan – na pwede mo pang itakeout at ishare paguwi mo.
Ito ang rebolusyon sa komedya na hinihintay natin. Pagpapatawa na lahat masaya.
Sa darating na Nov 29, may show ang Comedy Manila sa Music Museum. First time na ganito kalaki ang show mula ng magsimula ang rebolusyon. Dahil na rin sa supporta at mga naniwala, lumalaki na ang scene. Lumalabas na ang Comedy Manila sa TV, sa radyo, sa iba’t ibang events at venues sa buong Pinas pati na rin sa ibat ibang bahagi ng mundo. Marami na ang nakanood pero mas marami pa ang kailangan makaalam. Ito ang celebration ng paglago ng ganitong klaseng comedy sa Pilipinas at dapat kasama ka dito!
Pinamagatang “Pinoy Standup Comedy Revolution“, sa show na ito lahat ng mga pinakamagagaling na komedyante ng Comedy Manila magsasamasama sa entablado. Hindi isa, hindi lima. Lahat. Kung hindi ka pa nakapanood ng Comedy Manila show dati, heto na ang pagkakataon para makilala mo ang kakaibang uri ng komedya. At kung napanood mo na sila, ito na ang pagkakataon para mapanood mo yung mga hindi mo pa nakikita sa entablado.
Kasama na dito sila GB Labrador (Melbourne International Comedy Festival)l, Alex Calleja (Showtime, Boys Night Out Taco Tuesdays), Ryan Rems Sarita (Showtime’s Funny One Winner), Red Ollero at James Caraan (PTV4’s Barabara), Victor Anastacio (O-Shopping), Nonong Ballinan (Home Sweetie Home, Pinoy Big Brother) at marami pang ibang bigating komedyante na siguradong pasasayahin ka. Wow Diba?
Kung may date ka, dalhin mo sya dito. Mas madali pasagutin ang taong masaya. Masaya to. Do the math. Kung single ka, okay din lang. Maraming single na manonood. Nakakagwapo ang marunong tumawa. Malay mo dito mo pa mameet ang soulmate mo?
Ganyan ang Comedy Manila. Pasasayahin ka. Patatawanin ka. At paminsan-minsan, kagaya sa Nov 29, tutulungan ka dumiskarte sa buhay. Kitakits!
PINOY STAND-UP COMEDY REVOLUTION
Featuring the best of Comedy Manila! November 29, 2016, 8:00pm @ The Music Museum, Greenhills, San Juan
Buy Tickets at Music Museum, SM Cinemas or
click https://smtickets.com/events/view/5098
LIKE their Facebook page for details https://www.facebook.com/ComedyManila/
www.comedymanila.com