Personal Musings

TOP 5 QUESTIONS GIRLS SHOULD STOP ASKING THEIR BOYFRIENDS

I got inspired to come up with this post due to my personal paranoia. My brain is still having a debate with herself whether to ask these questions or not but decided not to because yes, they are annoying and yes guys would rather not have you ask this to them.

So… besides the shit inside my head I also did a quick survey from my male friends from facebook.

#5 Do I look fat na?

If they say yes. Aminin mo, malulungkot ka no? Hindi ka na kakain hanggang 6pm no?

If they say no. Sasabihin mo binobola ka lang. Bolero sya. Hindi ka pa din kakain hanggang 6pm.

#4 Babe, mahal mo ba ko?

Alam naman natin puno’t ugat nitong tanong nito ay insecurity. Gusto natin marinig sa mga bibig nila. Paulit ulit paulit ulit na mahal nila tayo. Kahit pinararamdam naman nila.

Ala namang “no” ang isagot nila diba? Ano sila tanga?

If they say no. Nakulitan na sya sayo. Hindi ka na nya mahal.

If they say yes. Go to annoying question #3

#3 Frequently followed by.. “E.. Bakit mo ko love?”

Ayan. Ano gusto mong isagot nya? Kasi maganda ka? Kasi malambing ka? Kasi matalino ka? Kasi madatung ka? Kasi mahilig ka sa siomai?

Love is a many splendor things. It cannot be defined. You just feel it diba. If they return the question to you. What would you reply? Can you also define what and why you’re feeling for him?

Kung hindi ka nahirapan, hindi mo sya mahal. Kasi ang love mahirap i-explain.

#2 *after 15 min of not replying sa text/fb/viber/whatsapp* Bakit hindi ka nagrereply?! Siguro may iba ka no?!

Girl. Chill. Relax. Hindi ba pwedeng naliligo sila? O kaya naghuhugas ng pwet. Madami pang ibang pwedeng gawin bukod sa hintayin ang reply nya.

#1  Iiwan mo ba ko?

Isa pang gagong tanong na deserve ng gagong sagot. Magkasama kayo. Masaya. Tapos hihiritan mo ng “Iiwan mo ba ko?”

Ano gusto mo isagot nya? “Babe, mahal na mahal kita, hindi kita iiwan, wag ka matakot, wag ka mag-alala, ikaw lang ang mahal ko at mamahalin habang buhay magpakailanman”

Girl. Ikaw ang pinili nya. Kung wala kayong problema. Wala kang dapat ipangamba. Hindi mo kailangan ng re-assurance nya. Ang kailangan mo, matuto mabuhay ng magisa. Hindi sya ang bumubuo sa pagkatao mo kaya iwan ka man o hindi dapat kayanin mo. Dahil cliche man ang sasabihin ko.

#walangforever

Kung nakakarelate ka katulad ko, o may kilala ka na makakarelate. Share mo sa kaibigan mo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.